Sabado, Hulyo 30, 2016

Malakas na Kampanya ng Gobyerno Tungkol sa Droga



Image result for drugs cartoons


Alam ng marami satin na ang isa sa pinakamalaking kinakaharap na suliranin ng ating bansa ay ang pagkalulong o pagkahumaling ng marami sa iligal na droga o mas maalam natin na bawal na gamot. Ang paglaganap nito sa ating bansa ay isang malaking delobyu na maituturing. Delobyu kung maituturing sapagkat ito ay nakakasira ng ating buhay,winawasak rin nito ang ating pangarap pati na ang ating kalusugan.

Sa dalawang buwang lumipas na umupo sa pagkapangulo si Duterte ay umigting na ang kampanya laban dito. Ilan sa mga hakbang na ginawa ay ang pagkakaroon ng random drug testing. Ito ay ginawa sa iba't ibang sekondaryang paaralan sa Maynila. Ginawa ito upang makasigurado ang mga awtoridad na hindi gumagamit ng bawal na gamot ang mga estudyante. Sapagkat maging sa paaralan naipupuslit na ang mga droga kung kaya't maraming estudyante ang nabiktima ng kalokohang ito. Isa pang hakbang na ginagawa ng gobyerno ay nagkaroon ng matinding survey sa iba't ibang parte ng Pilipinas, na kung ikaw ay mahuhuli ay may posibilidad na patayin. Ang mga awtoridad din ay gumawa ng hakbang, ito ay ang paghahanap sa mga drug lords na kadalasan na naibabalita ay pinatay. Nagpatupad din ng curfew sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, na kung saan hindi na pwede lumabas ng bahay kung ang oras 10:00pm na ng gabi. Ginawa ito nang saganon ay masiguro ang kaligtasan ng mga minor-de edad at makaiwas sa posibilidad na gumamit ng bawal na gamot.  Kasabay ng hakbang na ito ang pagsuko ng napakaraming mga adik at mga tulak droga.

Bagkos ay marami nang progama ang gobyerno na pinatupad ay unti-unti  ng nababawasan ang bilang mga taong talamak sa droga. Dahil din dito ay maraming adik at tulak droga na ang nagbago na kinasaya ng kani-kanilang pamilya. Dahil din sa mga programang ipinatupad ay napakaraming pamilyang natulungan, dahil kung ang isang adik o tulak dorga ay sumuko ay binibigyan ito ng pagkakataong magbago kasabay nito ang pagbibigay ng trabaho, minsan naman ay pinapasok sa rehabilitation center na sinasagot na ng gobyerno ang bayad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento